13 October 2025
Calbayog City
National

Pangulong Marcos, tiwalang maisasapinal na ang pag-adopt ng Code of Conduct sa South China Sea

POSITIBO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-adopt ng Code of Conduct sa South China Sea.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, tiwala ang pangulo na magkakaroon na ng pinal, sa halip na konklusyon lamang, para sa Legally Binding na Code of Conduct sa South China Sea.

Ito aniya ang dahilan kaya iniakyat ng pangulo ang paksa sa Plenary ng ASEAN, kahapon.

Gayunman, sinabi ni Castro na depende pa rin ito sa pag-uusap ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).