21 February 2025
Calbayog City
National

Pangulong Marcos, tiniyak na walang magugutom sa Bagong Pilipinas

bagong pilipinas

Tiniyak ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang Pilipino na maiiwan at magugutom sa “Bagong Pilipinas.”

Sa talumpati sa Ceremonial Palay harvesting at distribution ng ibat ibang ayuda sa mga magsasaka sa   Candaba, Pampanga, sinabi ni pangulong Marcos na ito ay dahil mayroon nang modernong kagamitan at sapat na ayuda sa pamahalaan ang mga nasa sektor ng agrikultura.

Sabi ni pangulong Marcos, malaking tulong din ang kooperasyon ng bawat isa para lalong gumanda ang lagay ng Pilipinas.

Para masiguro na magiging masagana ang ani ng mga magsasaka, sinabi ni pangulong Marcos na palalakasin pa ang pundasyon nito.

Nasa labindalawang libong na magsasaka, sampung kooperatiba at asosasyon ang binigyan ni pangulong Marcos ng hauling trucks, seeds, financial assistance at iba pang tulong.

Sinaluduhan ni pangulong Marcos sa dedikasyon ang mga magsasaka.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *