PINAG-aaralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kung kailangang magpalit ng mga lider ng mga departamento at ahensya, ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro.
Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos itong hingan ng kumpirmasyon sa palace briefing, kahapon, kung magkakaroon ng pagbabago sa liderato ng Presidential Security Command at sa Department of Information and Communications Technology.
Goitia: Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas
DILG chief, inatasan ang mga pulis na magsuot ng body camera sa paghahanap kay Atong Ang
Zaldy Co, nagtatago sa gated community sa Portugal, ayon sa DILG
Subpoena laban kina Sen. Jinggoy Estrada at Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, nakaumang na, ayon sa DOJ
Sinabi ni Castro na sa ngayon ay walang change of leadership sa dalawang nabanggit na ahensya.
Idinagdag ng Palace Official na hindi pa sigurado kung magkakaroon ng revamp sa gabinete ni Pangulong Marcos.
Samantala, nang tanungin ang tungkol sa pagbabago sa Presidential Communications Office, inihayag ni Castro na mas mainam na hintayin na lamang ang order ni Secretary Jay Ruiz, hinggil sa reorganization.
