6 July 2025
Calbayog City
National

Pangulong Marcos, payag sa planong PPP Scheme para mapagbuti ang operasyon ng LRT-2

PUMAYAG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa planong Public-Private Partnership (PPP) Scheme para sa LRT-2.

Pahayag ito ni Transportation Secretary Vince Dizon sa press briefing, kanina.

Binigyang diin ni Dizon na ang PPP Scheme ay para mapagbuti ang operasyon ng LRT-2.

Kahapon ng umaga ay maraming mga commuter ng tren ang naperwisyo matapos magkaroon ng technical problem ang linya.

Naayos din naman ang problema sa Rectifier Substation pagsapit ng tanghali, kaya naibalik ang Full Operations sa LRT-2.

Nagpatupad din ng libreng sakay simula kahapon hanggang ngayong araw sa LRT-2 bilang pambawi sa nangyaring aberya, kahapon.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.