INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang plano na magtayo ng sampung bagong Fish Ports na may State-of-the-Art Facilities at equipment sa bansa.
Bahagi ito ng mga hakbangin ng pamahalaan na paunlarin ang Agri-Fishery Sector at maabot ang Food Security.
Ginawa ng pangulo ang pangako nang pangunahan nito ang inagurasyon ng Rehabilitated at Improved Philippine Fisheries Development Authority – Iloilo Fish Port Complex sa Barangay Tanza-Baybay sa Iloilo City.
Sa kanyang talumpati, tinukoy ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagtatayo ng bagong Fish Ports na may mahahalagang istruktura, gaya ng Cold Storage Facilities, upang mapagbuti ang operasyon at matugunan ang problema sa Logistics.
Sinabi rin ni Marcos na kailangang sumabay ang Pilipinas sa mga karatig bansa, gaya ng Thailand at Vietnam, na nag-adopt ng kaparehong sistema upang bumuti ang kanilang Fisheries Sector, maging Globally Competitive, at palakasin ang Food Production.