3 July 2024
Calbayog City
National

Pangulong Marcos nanawagan ng kapayapaan sa Korean Peninsula

marcos

Ipinanawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga hakbang upang mapanatili ang kapayapaan sa Korean Peninsula.

Kasunod ito ng pulong ng pangulo kay Komeito Party Chief Representative Yamaguchi Natsuo ng Japan sa Malakanyang.

Sinabi ng pangulo na nakababahala ang kilos ng North Korea na patuloy sa paglulunsad ng missile tests.

Mahalaga ayon kay Pangulong Marcos ang pagtutulungan ng mga bansa sa Asya para mapahupa ang tensyon.

Samantala, binanggit ng pangulo ang kasunduan sa pagitan ng Japan at Pilipinas na hindi lamang bilateral basis kundi maging multilateral basis sa usapin sa West Philippine Sea. Kinilala ng pangulo ang mahalagang kontribusyon ng Japan sa Pilipinas hindi lamang sa mga kagamitan kundi sa iba pang mga kasunduang nabuo sa pagitan ng dalawang bansa.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *