NAGPASALAMAT si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino na bumoto sa katatapos na eleksyon.
Ayon sa pangulo, muling nanaig ang demokrasya sa bansa.
ALSO READ:
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Sinabi ng pangulo na ang mga hinalal na lider ay makikinig at aaksyon sa iba’t ibang suliranin sa bansa gaya ng inflation, trabaho, korapsyon at iba pa.
Nagpasalamat din ang pangulo sa mga sumuporta at nagtiwala sa mga kandidato ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas.
Bagaman hindi aniya nagwagi ang lahat ay magpapatuloy ang kanilang pagtatrabaho at misyon.
Hindi aniya natatapos sa eleksyon ang serbisyo publiko. Tiniyak din ng pangulo ang pakikipagtulungan sa lahat ng nanalong kandidato anuman ang kanilang partido o koalisyon.
