Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagkakabati nila ni dating Vice President Leni Robredo.
Pahayag ito ni Pangulong Marcos makaraang magkamayan sia Robredo sa pagbubukas Sorsogon Sports Complex noong Huwebes.
Nagkabati ang dalawa matapos imbitihan ni Senate President Chiz Escudero si Robredo na pangunahan ang pag-welcome kay Pangulong Marcos sa Sorsogon.
Sa talumpati sa ceremonial signing ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Act sa Palasyo ng Malakanyang, pinasalamatan ni Pangulong Marcos si Escudero na gumawa ng napakaimportanteng hakbang para mangyari ang political reconciliation.
Ayon sa pangulo, “well done” ang ginawa ni Escudero at nakatutuwa na naayos na ang relasyon nila ni Robredo.
Nagkalaban sa pulitika noon sina Pangulong Marcos at Robredo nang parehong kumandidatong vice president noong 2016. Tinalo ni Robredo si Pangulong Marcos sa vice presidential race.
Muling nagkatunggali ang dalawa noong 2022 presidential elections. Tinalo naman ni Pangulong Marcos si Robredo sa presidential race.