BINATI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Carlos Yulo sa tagumpay nito sa Paris Olympics.
Ayon sa pangulo, hindi lang isa kundi dalawang gintong medalya ang nakuha ni Yulo para sa bansa.
Lahat aniya ng mga Filipino sa buong mundo ay sumuporta at nag-cheer para kay Yulo.
Ayon kay pangulong Marcos, ipinagmamalaki ng bansa ang tagumpay ni Yulo.