BILANG bahagi ng pagpapalakas sa sektor ng agrikultura, patuloy ang pamamahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng mga titulo ng lupa at pag-turnover ng support services sa mga magsasaka sa Eastern Visayas.
Kahapon ay nagtungo si Pangulong Marcos sa Tacloban City Convention Center upang ipamahagi 5,438 na titulo ng lupa, pati na ang pag-turnover ng 350 million pesos na halaga ng Farm-To-Market Roads.
Ayon sa Department of Agrarian Reform (DAR), nasa 509.45 million pesos na halaga ng support services projects ang ipinagkaloob para sa mahigit 5,900 na mga benepisyaryo sa rehiyon.