MARIING kinondena ng Local Government Unit ng Palapag sa Northern Samar ang pangingikil at paggamit ng ipinagbabawal na eksplosibo ng New People’s Army (NPA).
Nakumpirma ito sa pamamagitan ng mga sagupaan kamakailan sa pagitan ng mga sundalo at mga rebelde.
ALSO READ:
50 million pesos na DOST hub at training center, itatayo sa Leyte
DOLE, naglabas ng 19 million pesos na settlement relief sa mahigit 1,000 manggagawa sa Eastern Visayas
Mahigit 1,000 rice farmers sa Northern Samar, tumanggap ng ayuda sa gitna ng MABABANG farmgate prices
DOST, naglaan ng 600 million pesos para sa pagsusulong ng smart farming technologies
Ginawa ng Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC) ang pahayag matapos maka-engkwentro ng 78th Infantry Battalion ang mga miyembro ng NPA sa kanilang hideouts na may mga nakatagong Anti-Personnel Mines.
Nadiskubre ito ng militar nang magkaroon ng bakbakan noong Sabado, sa bulubunduking bahagi ng Barangay Nipa, kung saan isang rebelde ang napaslang at limang matataas na kalibre ng armas at iba pang gamit sa pakikidigma ang nakumpiska.
