Hindi na nagbigay ng palugit ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga jeepney na hindi nagpa-consolidate sa mga kooperatiba sa ilalim ng PUV modernization program.
Ito ay dahil huhulihin na ang mga colorum na sasakyang papasada simula ngayong Lunes.
Itinuturing na colorum ang mga jeepney na hindi nagpa-consolidate dahil wala na silang provisional authority na pumasada sa kanilang mga ruta matapos ang April 30 consolidation deadline.
Ang pagsisimula ng panghuhuli sa mga colorum na jeepney ay kasabay ng ikinasang tatlong araw na tigil-pasada ng grupong Manibela ngayong June 10 hanggang 12 para tutulan ang PUV modernization program ng pamahalaan.