17 September 2024
Calbayog City
National

Pang. Marcos, walang nakikitang masama sa pagpapakuha ng larawan ng mga opisyal ng gobyerno kasama si Alice Guo

marcos

Walang nakikitang masama si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpapakuha ng larawan ng ilang opisyal  at mga empleyado ng gobyerno kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo matapos itong maaresto sa Indonesia.

Sa ambush interview sa Antipolo City, sinabi ni Pangulo Marcos na sa kanyang palagay ay bahagi na ito ng bagong kultura ng mga Pilipino.

Kaya nga aniya tinawag na selfie capital of the world ang Pilipinas.

Umani ng batikos ang larawan nina Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos at PNP Chief Rommel Marbil kasama si Guo. Ayon sa mga netizen isang pugante si Guo subalit nagmistula itong celebrity dahil sa kabi-kabilang pagpapakuha ng larawan ng mga otoridad sa dating alkalde.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.