14 July 2025
Calbayog City
National

Pang. Marcos, pinangunahan ang pamamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Julian sa Batanes

marcos

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng tulong sa mga residente sa Batanes na naapektuhan ng Super Typhoon Julian. 

Sa datos ng pamahalaan, umabot sa 7,088 na pamilya o 21,348 na katao ang naapektuhan ng bagyo. 

Namahagi ang pangulo ng P3,000 cash sa 200 benepisyaryo sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). 

Mayroon namang 4,000 beneficiaries ang nakatanggap ng 10 kilo ng bigas. 

Habang ang provincial government ng Batanes ay namahagi ng 800 piraso ng GI sheets at 800 piraso ng lumber sa mga residente na nasira ang tahanan dahil sa bagyo.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.