LUMUBOG ang isang pampasaherong bangka na biyaheng Calatrava patungong Simara Island, Romblon, pasado ala 1:00 hapon ng Sabado, August 5, 2023 habang naglalayag patungo sa kanilang ruta.
Kinumpirma ni Corcuera Mayor Elmer Fruelda ang insidente at nagpapatuloy ang rescue operations.
Agad na rumesponde ang MDRRMO Corcuera, ang Provincial Government ng Romblon at Philippine Coast Guard.
Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa malaman ang eksaktong bilang ng mga pasahero at kanilang kasalukuyang kondisyon.
Photos: Alden Dy Fajilan (on board)