NAKIISA ang pamahalaang Lungsod ng Calbayog sa mapayapa, taimtim, at makabuluhang paggunita ng “All Saint’s Day” at “All Soul’s Day”.
Sa Facebook post, inihayag ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy na sa pamamagitan ng kooperasyon ng mga Calbayognon ay mapananatili ang kaayusan at seguridad sa lungsod habang ginugunita ang undas.
Una nang nagpalabas ng executive order ang Alkalde upang maging gabay sa pagdaraos ng ligtas, mapayapa at maayos na “Kalag-Kalag 2023” sa Calbayog City.