PINALAWIG ng Land Transportation Office–National Capital Region ang “Palit Plaka Program”.
Ayon kay LTO-NCR Regional Director Roque I. Verzosa III, Extended na ang operasyon ng lahat ng Driver’s License Renewal Offices sa Metro Manila para mas mapabilis ang pagpapalabas ng mga plaka ng mga motorsiklo.
Ang mga motorsiklo na mayroong MV File Numbers na nagsisimula sa with “13” at “1801” ay maaari nang makuha ang kanilang plaka sa ilalim ng sumusnod nakategorya:
Naisyuhan na ng 7-Character Plate
Mayroong 6-Character Green Plate
At mga nakarehistro noong 2017 pababa at gumagamit pa din ng MV File Number
Karamihan din sa mga Motorcycle Plates mula 2018 ay nai-release na sa dealers.
Ang mga motorcycle owners ay maaaring mag-check ng Availability ng kanilang plaka gamit ang Online Plate Inquiry Tool sa LTO-NCR website.