Inabisuhan ng Philippine Airlines ang kanilang mga pasahero na palagiang i-check ang status ng kanilang flights bago magtungo sa paliparan.
Ayon sa PAL, para sa may mga naka-schedule na biyahe sa susunod na mga araw, pinapayuhan sila na mag-check ng real-time updates online.
Dahil kasi sa papasok na bagyong Uwan, posibleng magkaroon ng flight cancellations.
Ang flight status ay maaaring makita sa website ng PAL.




