NAGKASUNDO ang Afghanistan at Pakistan para sa agarang Ceasefire matapos magkasundo sa isinagawang Peace Talks sa Doha, Qatar.
Kasunod ito ng isang linggong maigting na Border Clashes, na pinakamarahas sa pagitan ng South Asian Neighbors simula nang mabawi ng Taliban ang kapangyarihan sa Kabul noong 2021.
ALSO READ:
French Ex-President Sarkozy, sinimulan na ang kanyang Jail Sentence bunsod ng Campaign Finance Conspiracy
2 Airport staff, patay matapos dumulas sa Runway ang 1 Cargo Plane sa Hong Kong
Ukraine, nagpatupad ng Blackouts sa maraming rehiyon kasunod ng pag-atake ng Russia sa Power Grid
Kapangyarihan sa Madagascar, napasakamay ng militar, kasunod ng pagtakas ng presidente
Inanunsyo ni Pakistani Defence Minister Khawaja Muhammad Asif sa X, naisapinal na ang Cease Fire, at maaring magpulong uli ang magkabilang panig sa Oct. 25 sa Istanbul para talakayin ang mga detalye. Sinabi naman ni Taliban Spokesperson Zabihullah Mujahid na nagkasundo ang magkabilang partido sa kumpleto at makabuluhang tigil-putukan.