15 March 2025
Calbayog City
Local

Pagtutulungan at pagkakaisa sa komunidad, binigyang diin sa pagbubukas ng bagong Day Care Center sa Barangay Macatingog sa Calbayog City

MATIBAY ang paniniwala ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy na ang matibay na komunidad ay bunga ng pagtutulungan at pinagsama-samang responsibilidad.

Ito ang naging puhunan at ginawang sandigan ni Mayor Mon kaya naitatag ang bagong Daycare Center sa Barangay Macatingog.

Ang center na itinayo mismo ng mga residente na ang pondo ay mula sa Barangay Local Government at Kalahi CIDSS-pamana Project, ay patunay ng pagkakaisa ng komunidad.

Nakiisa si Mayor Mon sa pagdiriwang sa pagbubukas ng bagong Day Care Center, kung saan binigyang diin nito ang kahalagahan ng pamumuhunan para sa kinabukasan ng mga batang calbayognon.

Nag-donate din ang alkalde ng 42” Smart TV at mga lamesa at mga upuan upang matiyak na fully equipped ang center.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).