26 March 2026
Calbayog City
Local

Pagtatayo ng modernong public market sa Tacloban City, inaasahang sisimulan ngayong taon

ISINUSULONG ng Tacloban City Government ang planong pagtatayo ng bagong public market sa coastal area ng Anibong bilang bahagi ng hakbang na gawing moderno ang komersyo at tugunan ang matagal nang problema sa kasalukuyang kinatatayuan ng palengke.

Sinabi ni Mayor Alfred Romualdez na ang naturang proyekto na inaasahang sisimulan ngayong taon ay itatayo sa 7-to 8-hectare elevated area, na idinisenyo para mabawasan ang pagbaha at matiyak ang long-term resilience.

Ang planong pasilidad ay nakikita bilang moderno, maluwag, at well-organized complex na may cold storage facilities, solar panels, rainwater catchment systems, at upgraded drainage network para suportahan ang sustainable operations.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).
Listen Live