Inaasahang matatapos ngayong Martes ang oil siphoning operation sa lumubog na MTKR Terranova, ayon sa Philippine Coast Guard.
Sinabi ni Coast Guard Station Bataan Commander Lieutenant Michael John Encina, na halos puro tubig na lamang ang narekober na oily waste mula sa lumubog na motor tanker.
Bunsod nito, tiniyak ni Encina na lahat ng lamang industrial fuel ay masisipsip mula sa Terranova.
Simula Aug. 19 hanggang Sept. 8, umabot na sa kabuuang 1,304,878 liters ng oily waste ang nakolekta mula sa lumubog na barko sa Bataan.