Iminungkahi ni South Korean President Yoon Suk Yeol na magsanib-pwersa ang Seoul at mga bansa sa Southeast Asia laban sa bantang nuclear war ng North Korea.
Binalaan din ni Yoon ang Washington, sa nakatakdang pulong nina North Korean Leader Kim Jong Un at Russian President Vladimir Putin kaugnay ng posibleng pagsusuplay ng Pyongyang ng mga armas na maaaring gamitin laban sa Ukraine.
Binigyang diin ni Yoon na hindi lamang banta sa Seoul, kundi maging sa Southeast Asian allies ang mga inilunsad na missile strike ng Pyongyang.