3 March 2026
Calbayog City
National

Pagsapubliko ng Blue Ribbon report sa flood control, inihirit ng grupo ng mga abogado

NAGHAIN ng petisyon ang isang grupo ng mga abogado sa Korte Suprema para hilingin na maisapubliko ang draft ng report ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng flood control scandal.

Sa inihaing petisyon for mandamus and certiorari, hiniling ng mga abogadong sina Eldrige Marvin Aceron, Sikini Labastilla at Purificacion Bartolome-Bernabe na atasan ng Supreme Court ang Senado na ilabas ang kopya ng report. 

Sinabi ni Aceron na deserve ng publiko na makita ang report kasama na ang nirebisang parte nito. 

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).