PINABULAAAN ni Senator Imee Marcos ang isyung siya umano ang nasa likod ng balasahan sa Senado.
Sa pahayag sinabi ng senadora na kayang patotohanan ng minority bloc na siya ang huling nakaalam patungkol sa nilulutong palitan ng liderato.
Dagdag pa ni Senator Imee, maugong talaga sa loob ng senado ang pagpapalit ng Senate President.
Ito ay dahil sa pangampa aniya ng mga senador na nayayanig ang institusyon dahil sa mga kaso at kontrobersiya na idinadawit ang kanilang mga kasamahan gayong hindi naman sila ang dapat na managot.




