HINIMOK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na lumikha ng compassionate at nagkakaisang bansa, sa pagdiriwang ng pasko ng pagkabuhay.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Marcos na bawat Pilipino ay dapat bitbitin ang liwanag sa kanilang pang-araw-araw na buhay, hindi lamang sa salita, kundi pati sa gawa.
ALSO READ:
Palagi aniyang piliin ang kabutihan kaysa sa kasamaan, pagiging mapagbigay kaysa personal na interest, at pagkakaisa kaysa pagkakawatak-watak.
Nanawagan ang pangulo sa lahat na bumangon ng may may bagong layunin, pag-asa, at malalim na pag-unawa sa responsibilidad sa bawat isa.




