Pinaplantsa na ng Land Transportation Office (LTO) ang mandatory implementation ng batas na nag-aatas ng paglalagay ng speed limiters sa mga public utility vehicles (PUVs).
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang Republic Act 10916, o ang Road Speed Limiter Act ay dapat fully implemented na noong 2016 matapos itong mag-lapse into law.
Sinabi ni Mendoza na bahagi ng preparasyon sa pagpapatupad ng batas ang pagdaraos ng serye ng pulong para makabuo ng guidelines.
Nakapagpatawag na ng unang pulong ang LTO kasama ang mga UV Express at bus operators.
Ayon sa LTO base sa datos ng World Health Organization (WHO), nasa 1.3 million na katao ang nasawi dahil sa aksidente sa kalsada sa buong mundo habang nasa 20 million hanggang 50 million naman ang nasugatan.