IBINABA ng World Bank sa 5.6 percent ang paglago ng ekonomiya ng bansa ngayong 2023.
Mas mababa ito kumpara sa 6 percent na forecast noong Abril ng Washington-Based Multilateral Lender.
Sinabi ni Aaditya Mattoo, Chief Economist ng East Asia and Pacific Region ng World Bank, na ang malaking concern sa ngayon ay ang mabagal na paglago ng global economy.
Aniya, ang Pilipinas, gaya ng lahat ng mga bansa sa rehiyon, ay nakadepende sa buong mundo para sa exports, goods, at services, at sa mga Pilipinong nagta-trabaho sa abroad at nagpapadala ng remittances.
Binigyang-diin ni Mattoo na lahat ng factors ay nakatali sa estado ng global economy, kasabay ng paniniwala na inaasahang makababawi rin sa hinaharap ang kondisyon ng pananalapi.