23 February 2026
Calbayog City
National

Pagguho ng lava dome, naitala sa Mt. Mayon; posibleng pagdaloy ng lahar sa Albay, ibinabala sa gitna ng pag-aalburoto ng Mt. Mayon

LABINGANIM na Pyroclastic Density Currents o PDC ang naitala sa Mt. Mayon sa loob lamang ng apat na oras. 


Ayon sa PHIVOLCS, nagdulot ito ng pagguho ng lava dome mula sa summit ng bulkan sa pagitan ng pasado ala una hanggang alas kwatro ng hapon ng Miyerkules, January 7. 

Nagbuga ang bulkan ng kulay gray at brown na CO-PDC ash clouds at umabot sa 200 meters ang taas nito.

Nakataas ang Alert Level 3 sa Mayon Volcano at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-Kilometer Permanent Danger Zone.

Samantala, posibleng dumaloy ang lahar sa mga karatig lugar ng nag-aalburoto ngayon ng Bulkang Mayon sa Albay.

Sa harap ito ng forecast ng PAGASA na maaring makaranas ang lalawigan ng malakas na pag-ulan.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.