INANUNSYO ng Taliban Administration ang internet ban sa buong Northern Afghanistan, upang maiwasan ang immoral activities.
Una nang ikinabahala ng Islamist Movement ang Pornography at Flirtations sa pagitan ng mga lalaki at babae sa online.
Ito ang unang internet ban mula nang i-takeover ng Taliban ang Afghanistan noong 2021.
Saklaw ng ban ang limang lalawigan na kinabibilangan ng Kunduz, Badakhshan, Baghlan, Takhar, at Balkh – sa hilagang bahagi ng bansa.




