INILUNSAD ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paggamit ng Body-Worn Cameras para sa No Contact Apprehension Program (NCAP).
Sinabi ng MMDA na bumuo sila ng Swift Traffic Action Group (STAG) para tutukan ang Obstruction at Illegal Parking Violations sa mga pangunahing lansangan at itinalagang Mabuhay Lanes sa Metro Manila.
ALSO READ:
Manila district engineer, pinagpapaliwanag ng DPWH hinggil sa mga iregularidad sa Sunog Apog Pumping Station
Flood Control Facility sa Maynila, ininspeksyon ng ICI
Mga nanggulo sa rally sa Maynila, sasampahan ng patong-patong na kaso – Mayor Isko
Kaso ng Influenza-like Illness sa QC lagpas na sa epidemic threshold
Ang grupo na may isandaang personnel at may suot na Body Cameras ay pamumunuan ni Bong Nebrija.
Inihayag ni MMDA Chairperson Romando Artes na sa aktuwal na operasyon, wala nang interaksyon, basta magbi-video lang ang personnel at iiwan na ang Notice of Violation.