TILA hindi apektado ang TV host-athlete na si Aira Lopez sa pagbibigay ng kanyang boyfriend na si Batangas Vice Gov. Mark Leviste ng regalo sa dati nitong girlfriend na si Kris Aquino.
Binigyan umano ni Leviste ang ex-girlfriend na si Kris ng paboritong nitong chocolates and flowers, bago sumailalim sa isang minor injury, ngayong buwan.
Sa Facebook, sinagot ni Lopez ang isang social media post tungkol sa affectionate gesture ng kanyang boyfriend sa dati nitong girlfriend na patuloy na nakikipaglaban sa labing isang autoimmune diseases.
May pahiwatig kasi ang post na post na posible umanong magkabalikan sina Mark at Kris.
Sinabi ng Sparkle artist na hindi dapat gawing isyu ang generosity ng kanyang boyfriend, at sa katunayan ay siya pa mismo ang nag-encourage kay Mark na bisitahin si Kris sa ospital.




