PINAGHAHANDAAN na ng pamunuan ng Buendia Bus Terminal ang pagbabalik ng mga biyahero sa Metro Manila mula sa kani-kanilang mga probinsiya.
Ayon kay Lyndon Salvador, Terminal Manager ng DLTB Co., nakikipag-coordinate na sila sa mga kinatawan ng iba’t-ibang home based terminals sa mga probinsiya upang matiyak ang maayos at ligtas na biyahe ng mga pasaherong nagsi-uwi para bumoto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at Undas.
Inaasahan anila na simula bukas, November 3 ay may mga bakasyonista nang magbabalik sa Metro Manila na tatagal hanggang November 7.