Hindi mamadalin ang mga pagbabago na ipatutupad sa terminal assignment sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Pahayag ito ng kumpanyang New NAIA Infra Corp. (NNIC) matapos mai-turnover dito ang pamamahala sa paliparan.
Ayon kay NNIC General Manager Angelito Alvarez, ang mga isasagawang terminal reassignments ay unti-unting ipatutupad at hindi gagawing biglaan.
Isasabay aniya ito sa ginagawang infrastructural at technical upgrades sa paliparan. Tiniyak din ng NNIC na palagiang magbibigay ng mga impormasyon sa publiko at anumang pagbabago sa terminal assignments ay iaanunsyo ng maaga bago ipatupad.