SIMULA sa Lunes, March 30, ay suspendido muna ang pag-iisyu ng concessionary card sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3.
Ito ang Beep Card na para sa mga estudyante, senior citizens, at PWDs.
ALSO READ:
Ayon sa pahayag ng kumpanyang “BEEP”, bumaba ang bilang ng concessionary beep cards sa nakalipas na mga buwan.
At lalo pang bumaba ang suplay nang ipatupad noong March 23 ang 50 percent fare discount para sa lahat ng pasahero ng LRT-2 at MRT-3.
Muling na lamang mag-aanunsyo ang kumpanya kapag magkapagpoproseso na muli ng concessionary beep cards.




