15 March 2025
Calbayog City
Province

Paaralan sa Don Marcelino, Davao Occidental, nagsuspinde ng klase matapos magwala ang ilang estudyante

SINUSPINDE ang face-to-face classes sa Corona A. Cabanilla National High School sa Don Marcelino, Davao Occidental, makaraang isang estudyante ang nakaranas ng medical incident na sinundan ng pagbabago ng pakiramdam ng ilan sa mga kaklase nito.

Batay sa report, sinabi ng School President na isang mag-aaral nila ang isinugod sa health center dahil nahirapang huminga.

Samantala, ang ibang mga estudyante naman, mula grades 7 hanggang 10 ay nakaranas ng panghihina at nagsimulang magpumiglas o magwala.

Maayos na ang kondisyon ng dalawampu’t apat na mag-aaral habang inaasahang babasbasan ng pari ang paaralan ngayong miyerkules.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).