23 November 2024
Calbayog City
Local

P70-M solar power project ng Leyte provincial government, nakumpleto na!

Leyte provincial capitol, solar power project

Nakumpleto na ng Leyte provincial government ang 70-million peso solar power project na magpapailaw sa bagong Capitol Complex sa Palo, sa layuning mahihikayat nito ang mga negosyo at kabahayan na lumipat sa clean energy.

Sinabi ni Governor Carlos Jericho Petilla na opisyal na bubuksan ang solar power sa Nov. 11, araw ng Sabado, limang buwan matapos itong simulang ikabit.

Idinagdag ni Petilla na ang kanilang misyon ay hindi lamang pailawan ang kapitolyo, kundi bigyan ng edukasyon ang mga mamamayan tungkol sa solar power.

Aniya, nais niyang makita ang Leyte na 20-percent independent mula sa fossil fuel plants, at bawat isang bahay ay mayroong sariling solar power system.

Inaasahang dahil sa naturang proyekto ay makatitipid provincial capitol ng 500,000 pesos sa kanilang bill sa kuryente.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *