SUGATAN ang isang barangay kagawad sa bayan ng Villaba, sa Leyte makaraang tambangan ng dalawang hindi nakilalang suspek.
Ang biktima na kinilalang si Junnymel Delos Santos, kagawad sa Barangay Cagnocot, ay nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang pisngi.
Regional Level Top 7 Most Wanted Person, arestado ng Calbayog CPS
Militar sa Eastern Visayas, nanawagan sa mga rebelde na magnilay-nilay ngayong Semana Santa
“Pintahang Pagkakaisa,” pinangunahan ng kabataang artists sa Tacloban City para isulong ang nasyonalismo
Halos 300 senior high student sa Leyte, na-hire on the spot sa job fairs
Agad itong isinugod sa Villaba Community Hospital ng local rescue team para malapatan ng lunas subalit kalaunan ay inilipat sa Ormc Doctors hospital kung saan stable na ang kanyang kalagayan.
Lulan si Delos Santos ng kanyang motorsiklo kasama ang kanyang misis nang paputukan sila ng dalawang lalaking magka-angkas sa isang motorsiklo.
Nawalan ng kontrol sa manibela ang barangay kagawad dahilan para sumalpok ang motorsiklo nito sa puno ng niyog.
Hindi naman nasaktan ang misis ng biktima sa naturang pag-atake na iniimbestigahan pa ng mga awtoridad.
