Mananatili sa heightened alert ang PNP hanggang sa lunes upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga uuwing biyahero matapos ang mahabang weekend.
Kasunod ito ng pagtatapos ng full alert status na ipinatupad ng PNP, ilang araw bago ang Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sinabi ni PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, na bahagyang ibinaba ang alerto upang makapagpahinga ang mga pulis matapos ang full deployment ng mga ito para sa BSKE at undas.
Tiniyak naman ng PNP Official na mananatili ang Police Assistance Desks sa mga transportation hubs hanggang sa makabalik sa Metro Manila ang mga nagsi-uwiang biyahero sa kani-kanilang probinsiya nitong nakaraang linggo.