12 March 2026
Calbayog City
National

P5K ayuda sa mga tsuper ipamamahagi na sa susunod na linggo; taas-singil sa pasahe kasado na ayon sa DOTr

SISIMULAN na sa susunod na linggo ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga driver ng mga pampublikong sasakyan na apektado ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na agad ipamahagi ang five thousand pesos na halaga ng fuel subsidy.

Para sa agarang implementasyon, pinulong ni Recto ang Metro Manila mayors upang plantsahin ang mabilis at maayos na pamamahagi ng tulong.

Ani Recto, sa susunod na linggo ay pangungunahan na ng Department of Social Welfare and Development at ng Department of Transportation ang distribusyon ng subsidiya sa Metro Manila, na susundan sa iba pang bahagi ng bansa.

Samantala, kinumpirma ng Department of Transportation na kasado na ang pagpapatupad ng taas-pasahe sa mga pampublikong sasakyan.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.