SISIMULAN ni Filipina Tennis Ace Alex Eala ang kanyang 2026 Miami Open campaign laban sa veteran player na si Laura Siegemund ng Germany sa Second Round.
Pinadapa ng 38-year-old na German tennis player si Petra Marcinko ng Croatia sa First Round ng WTA 1000 tournament, kaninang umaga, oras sa Pilipinas.
ALSO READ:
Itinakda ang match sa pagitan ng bente anyos na Pinay at ng veteran German player, ngayong Huwebes.
Noong nakaraang taon ay biglang umangat sa rankings si Eala matapos ang impresibong kampanya sa Miami Open.
Sinuman ang manalo kina Eala at Siegemund, ay makakasagupa ang magwawagi sa pagitan Polish players na sina Magda Linette at Iga Swiatek sa Round of 32.




