NASUNGKIT ni Filipino olympian at Pole Vaulter EJ Obiena ang kanyang first indoor season win sa Springer meeting sa Cottbus, Germany, Kahapon.
Na-clear ni Obiena ang season-best na 5.77 meters, na natawid din ni Menno Vloon ng The Netherlands.
ALSO READ:
Nagtala ang dalawang vaulters ng magkaparehong height at bilang ng failed attempts, kaya share sila sa titulo.
Noong nakaraang Linggo ay nanalo si Obiena ng bronze medal sa Istaf Indoor tournament matapos ma-clear ang 5.65 meters.




