PINASINAYAAN na ang Multi-Purpose Evacuation Center sa Brgy. Polangi sa bayan ng Catarman Northern Samar na isa sa mga proyekto ng PAGCOR ngayong araw ng Biyernes, November 10, 2023.
Nanguna sa pagpapasinaya sa proyekto ang Assistant Vice President for Community Relations ng PAGCOR na si Eric Balcos.
Aniya, ang bagong pasilidad ang ika-36 sa 72 evacuation centers na itinayo ng PAGCOR sa buong bansa. Mahalaga aniya ito para may masisilungan ang publiko oras ng kalamidad.
Nabanggit pa ni Balcos na ang susunod na proyekto ng PAGCOR ay ang pagpapatayo naman ng mga silid-aralan. Hinikayat niya ang mga opisyal ng mga barangay na magpasa ng proposal sa ahensiya para kanilang mapag-aralan at mapondohan.
Ang naturang pasilidad sa Brgy. Polangi na nagkakahalaga ng P50M ay layung makapagbigay ng ligtas na pansamantalang tahanan sa mga residente pati na sa mga kalapit na lugar. Kaya nitong mag-accommodate ng hanggang 200 katao o 40 na pamilya.


