INILUNSAD na sa probinsya ng Batanes ang ‘Benteng Bigas, Meron Na’ Rice Project.
Available ang murang bigas sa Vulnerable Sector, kabilang ang Senior Citizens, Solo Parents, Persons with Disabilities, 4Ps members, Minimum Wage Earners, magsasaka, mangingisda, at Transport workers.
Sa datos ng Department of Agriculture, ang P20 per kilo na bigas ay Available na sa 350 Sites sa buong bansa.
Maliban sa de-kalidad at murang bigas, nagkaloob din ng iba’t ibang suporta dapara sa mga magsasaka at mangingisda sa Batanes gaya ng Motorized Fishing Boats, Chest Freezers, Chilling Tanks, at Agricultural Inputs na nagkakahalaga ng mahigit 13 million pesos.