IPINAMAHAGI ng Department of Social Welfare and Development Field Office 8 ang 15 million pesos na halaga ng financial assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa Bayan ng Catarman sa Northern Samar.
Ang tulong ay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng ahensya.
Kabilang sa mga tumanggap ng tulong ang mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha dulot dahil sa pag-ulan na dulot ng shear line at trough ng low pressure area.
Bawat pamilya ay tumanggap ng P3,000 na halaga ng tulong.