23 November 2024
Calbayog City
National

P125m confidential fund ng OVP noong 2022, kinuwestiyon sa Korte Suprema

NAGHAIN ng petisyon sa Korte Suprema sina dating COMELEC Chairman Christian Monsod, at Atty. Ibarra Gutierrez III, tagapagsalita ni dating Vice Pres. Leni Robredo, kaugnay ng paglilipat sa 125-million peso fund ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Patungo sa tanggapan Vice President Sara Duterte.

Sa apatnapu’t siyam na pahinang Petition for Certiorari, hiniling ng mga petitioner sa Supreme Court na ideklarang “Unconstitutional” ang ginawang paglilipat ng pondo.

Pangunahing respondent ay ang Office of the Vice President, at sina Executive Secretary Lucas Bersamin at Budget Secretary Amenah Pangandaman.

Kasama rin sa mga petitioner sina dating Finance Undersecretary Maria Cielo Magno, Imelda Nicolas, Katrina Monsod, Ray Paolo Santiago, Honorio Poblador III, Augusto Lagman, Vicente Romano III, Rex Drilon, at Miguel Jugo.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *