UMABOT na sa mahigit 1.28 billion pesos ang halaga ng cash relief assistance na naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development sa mga driver ng Public Utility Vehicles.
Ayon sa DSWD, sa mahigit dalawang linggong payout, umabot na sa mahigit two hundred fifty-six na drivers sa Metro Manila ang nakatanggap ng tulong pinansyal.
Kabilang dito ang mahigit isangdaang libong tricycle drivers, mahigit twenty-two thousand na TNVS drivers, mahigit eighty-six thousand na service delivery, higit twenty-one thousand na mc taxi, at higit twenty-two thousand na driver ng jeep.
Ayon sa DSWD, pagkatapos ng Semana Santa ay isasagawa naman ang payout para sa mga PUV driver sa iba pang rehiyon sa bansa.




