PINATUNAYANG muli ng SB19 ang pagiging P-Pop Powerhouse makaraang humakot ng walong awards sa 10th Edition ng Wish Music Awards.
Pinagtibay naman ng BINI ang kanilang posisyon bilang top girl group sa bansa matapos mag-uwi ng tatlong awards, kabilang ang Girl Group of the Year at Pop Song of the Year.
Vic Sotto, sumailalim sa cataract surgery
Rhian Ramos at Sam Verzosa, in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram
Tagalog Voice Actor Jefferson Utanes na nasa likod ng boses nina Doraemon at Son Goku, pumanaw sa edad na 46
Pokwang, inamin na kapatid niya ang viral driver na binatukan ang lalaking nagtutulak ng kariton; comedian, nag-sorry
Samantala, binigyang pagkilala rin sa naturang event si Ogie Alcasid dahil sa kanyang kontribusyon sa OPM sa pamamagitan ng ipinagkaloob na KDR Icon of Music Excellence Award.
Naiuwi naman ni Apl.De.Ap ang KDR Icon of Music and Philanthropy, dahil sa kanyang pagsisikap na pagsabayin ang musika at pagtulong sa kapwa bilang artist sa Pilipinas at US.
Ang 10th Wish Music Awards, na ginanap noong linggo sa Araneta Coliseum, ay dinaluhan din ng mga bigating artist, gaya nina Regine Velasquez, Noel Cabangon, Christian Bautista, Karylle, at Yael Yuzon.
