NAGHAIN ng petisyon sa COMELEC si Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez para hilingin na suspindihin ang proklamasyon ni Dating Court of Appeals Justice Vicente “Ching” Veloso.
Ito ay kung sakaling manalo si Veloso, na kalaban ng kanyang mister na si Reelectionist Cong. Richard Gomez sa ika-apat na distrito ng Leyte.
ALSO READ:
Maharlika Falls sa Eastern Samar, isinusulong para maging premier ecotourism destination
Environmental impact ng ‘Unity Roads’ sa Samar, tiniyak na maliit lang
Unity Road Project, paglalaanan ng malaking pondo sa loob ng 2 taon
Panukalang Samar Island Connectivity Road Project, tinalakay sa Office of the Executive Secretary
Magugunitang naghain ng disqualification case si Gomez laban kay Veloso noong May 8 bunsod ng umano’y paglabag sa Omnibus Election Code (OEC).
Sa kanyang petisyon, tinukoy ni Gomez ang Section 27 OEC na nagpa-prioritize sa disqualification cases at ang desisyon ng COMELEC ay dapat maibaba nang hindi lalagpas sa pitong araw bago ang eleksyon.
