TINAWAG na “coordinated” at “systematic” ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang korapsyon sa loob ng Bureau of Fire Protection.
Pangako ni Remulla, wawakasan ang krimen sa loob ng BFP na kinasasangkutan ng mga opisyal at tauhan nito.
ALSO READ:
Iniutos na ng bagong BFP chief ang pag-suspend sa lahat ng safety fire inspectors sa Metro Manila.
Ito ay matapos na sampahan ng kaso si dating BFP Chief Jesus Fernandez.
Ani Remulla, kahit na naisampa na ang kaso laban kay Fernandez, nagpatuloy sa maling gawain ang mga fire inspector, kaya sila pinatawan ng suspensyon.
Ayon sa kalihim, “non-negotiable” ang pagbabalik ng integridad sa BFP dahil isa itong public safety institution na hindi dapat nababahiran ng korapsyon.




